Friday , November 15 2024

Archbishops umalma kay Duterte

NAGSALITA na si Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Archbishop Emeritus Oscar Cruz laban sa mga nagiging pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang mga pamamaraan ng pamumuno kung sakaling siya ang maging susunod na pangulo.

Noong nakaraang debate ng Commission on Elections, sinabi ni Duterte na kailangan, kayang pumatay ng pangulo upang maging epektibong pinuno ng bansa.

Kadikit ito ng naunang pahayag ni Duterte na lalago ang negosyo ng punerarya sa Filipinas kapag nanalo siya kasi baka marami siyang mapatay upang sumunod sa mga batas.

Kilala si Duterte sa imaheng playboy, brusko at mahilig magmura, na gumawa ng kontrobersiya nang aminin niyang minura niya si Pope Francis sa pagbisita nito sa bansa. 

“Ang kailangan ng mundo ngayon ang pamumuno ng magandang ehemplo, o leadership by example,” sabi sa pahayag ni Villegas sa website ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. “Marami tayong mga magaling na lider sa gobyerno at mas marami pang ginugustong umupo sa puwesto, ngunit ilan sa kanila ang dapat tularan ng mamamayan?” tanong niya.  

Sinabi ni Villegas na korupsiyon ang malalang sakit ng politika sa Filipinas, ngunit ang mukha ng korupsiyon na kinasanayan natin ay pagnanakaw o pangungulimbat mula sa kaban ng bayan.

“Ang korupsiyon, katulad ng demonyo, ay maraming mukha. Ang pagpatay sa kapwa-tao ay korupsiyon. Ang pagpatay ay kasalanan, gawa man ito ng kriminal o opisyal, kahit ano pa ang intensiyon,” paliwanag niya. 

Binanatan din ni Archbishop Villegas ang tila pambibida ng pagiging babaero ni Duterte ng kanyang mga handler at tagasuporta. “Ang pakikiapid ay korupsiyon. Ginagawa nitong walang halaga ang pagiging mag-asawa at ginagamit ang mga tao para lamang sa tawag ng laman,” batikos ng arsobispo.

Sinabi rin niya na sinisira ng pang-aapid ang pamilyang Filipino, sinisira ang pagkatao ng mga anak at nabibiktima ang mahihina.  

Para naman kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz, ‘delikado’ para sa bayan si Duterte at “mas malala ito sa diktador na minsan nang nagpairal ng kamay na bakal sa bansa,” pahayag nito.

“Para sabihin niya na papatayin niya ang kahit sinong magkakamali at magbibiro na kailangan ng mas maraming punerarya ay nagpapakita lang na wala siyang pakialam sa karapatang pantao,” dagdag ni Cruz.  

Kahit raw nakatatawa ang mga patutsada ni Duterte ay hindi dapat hayaang maimpluwensiyahan ang ating moralidad at pamumuhay. “Ang kabastusan ay korupsiyon rin. Nababawasan ang ating pagkatao tuwing nahuhulog tayo sa ganitong paraan,” apela ni Villegas.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *