Friday , November 15 2024

7 katao kinasuhan ng AMLC (Sa money laundering)

PITO katao na ang nasampahan ng kaso ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay ng kontrobersiyal na $81 million money laundering sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni AMLC Executive Director Julia Bacay-Abad, kabilang sa kanilang sinampahan ng kaso sina dating RCBC branch manager Maia Santos-Deguito, negosyanteng si Kim Wong, Weikang Xu at apat na account holders sa RCBC.

Ayon kay Abad, malakas ang ebidensiya na sangkot sa money laundering ang mga akusado dahil napatunayan na alam nila na ang napunta at dumaan sa kanilang pera ay nakaw.

Habang inabsuwelto ng AMLC ang Philrem Services Corporation sa pagsasabing regular transaction ang ginawa ng money remittance center at hindi alam na nakaw ang pera.

Tiniyak ni Abad na patuloy ang kanilang imbestigasyon para masampahan din ng kaso ang iba pang sangkot sa katiwalian.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *