TESDA Man inendoso ni Miriam
Hataw News Team
March 29, 2016
News
NANINIWALA si TESDAMAN Joel Villanueva na ang rock star appeal ni presidential candidate Sen. Miriam Defensor-Santiago ay malaking tulong sa kanyang kandidatura upang lalong mapalakas ang kanyang tsansa na manalo sa senatorial elections sa May 9 matapos siyang iendoso ng mambabatas.
“Senator Miriam Is no doubt a rock star politician, especially among the youth. The hope is that some of that might rub off on us,” wika ni Villanueva na tumatakbong senador sa ilalim ng Daang Matuwid coalition.
Idinagdag ni TESDAMAN, ang staying power ni Sen. Santiago sa politika ay dahil sa kanyang bold at moral leadership.
“Senator Miriam’s endorsement is a serious boon to any candidate. I am thankful for fitting her criteria as a future senator,” dagdag ng dating TESDA chief.
Napabilang si Villanueva sa inendoso ni Sen. Santiago na hindi matatawarang humor at talino, dahil na rin sa makatotohanang pagganap sa tungkulin bilang kongresista at bilang pinuno ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Magkapareho rin ang isinusulong nilang kampanya ni Santiago na linisin ang gobyerno mula sa corruption.
Nangako si Villanueva na isusulong ang kalidad na edukasyon, kabilang ang technical vocational education, paglikha ng trabaho at employment, pagsusulong ng makatotohanang pag-unlad na nakabatay sa pag-angat sa antas sa buhay ng mamamayan.
“On the road to the Senate, we have a very progressive platform and we will follow through it. Among others, we will make quality education and decent jobs happen for Filipinos,” paliwanag pa ni TESDAMAN.
Tumatakbo si Villanueva bilang senador sa ilalim ng plataporma niyang TESDA—Trabaho, Edukasyon, Serbisyo, Dinidad, Asenso.