Sunday , December 22 2024

Climate change responsibilidad ng lahat

BUNSOD ng kabiguan ng gobyerno na tugunan ng komprehensibong national policy ang hinggil sa posibleng  panganib na maaaring idulot ng climate change, ang mga rehiyon, lalawigan at munisipalidad ay dapat na ring kumilos para mapigilan ang destructive phenomenon, ayon kay Gonzalo Catan, Jr., inventor/businessman, executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines.

Kailangan nang kumilos, ayon kay Catan, upang mapahupa ang climate change ng mga hakbang na magtutuon sa pagpapabawas ng carbon monoxide sa atmopshere. Ang carbon emission ang itinuturong dahilan ng polusyon sa hangin.

“We just witnessed the massive destruction by Yolanda, the off-season typhoon, that hit the province of Leyte. Then there was the flooding in Davao and the 7.2 earthquake that destroyed the scenic tourist spots in Bohol,” aniya.

Ang tanong aniya, “how prepared are we if occurences of this magnitude come again.” Ang problema ay responsibilidad ng lahat at hindi nararapat na ipaubaya na lamang sa gobyerno. Ang mga rehiyon at local government units (LGUs) ay dapat na magbuo ng mga hakbang, pagdidiin ni Catan, na mag-aatas para sa exhaust-clean vehicles at energy-efficient factory buildings.

Gayonman, sinabi ni Catan, hindi sapat na magbuo lamang ng mga polisiya. Ang dapat aniya ay mahigpit itong maipatupad.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *