WELCOME to the future!
PINASINAYANAN ng mga enhinyero ng BMW ang kanilang ‘vehicle of the future’—isang shape-shifting na konsepto ng kotse na maaaring paandarin ng auto-pilot, at may nagbabagong interior at sarili nitong ‘balat.’
Parang nagmula sa isang sci-fi movie, ang sasakyan ay mayroong ‘virtual reality’ windscreen, space age steering wheel at nagsasabi rin sa nagmamaneho nito ng pinakamainam na panahon para maglakbay.
Inilunsad ang prototype ng nasabing kotse sa kauna-unahang pagkakataaon na pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ng sikat na German car manufacturer.
Marahil pinakakapansin-pansing di-senyo ng sasakyan ang balat nito, na hinahayaan ang mga gulong ng kotse na kumilos bilang bahagi ng main chassis.
Inamin ng BMW na ang naturang kotse ay ‘konsepto’ pa lang ngunit hindi makapipigil sa kompanya na ipadala at pa-puntahin ang kanilang ‘car of the future’ sa iba’t ibang lugar sa buong mundo ngayong taon.
Inihayag ng BMW na unang makikita at magtatanghal ng kanyang kakaibang features ang kanilang kotse sa mga bansang China, Estados Unidos at United Kingdom.
Kinalap ni Tracy Cabrera