Friday , November 15 2024

 5 nalunod sa beach sa Negros Occ. (Trahedya sa Easter Sunday)

BACOLOD CITY –Lima katao ang nalunod sa isang beach resort sa Hinigaran, Negros Occidental, kasabay ng selebrasyon ng Easter Sunday.

Kinilala ni SN2 Jeron Maloto ng Philippine Coast Guard ang mga nalunod na sina Mary Jane Tabligan Desucos, 49, ng Doña Juliana Subd. Lungsod ng Bacolod; Kian Tabligan Betilla at Nica Betilla ng Brgy. Singcang, Bacolod City; Jane Rose Tabligan, 11, ng Binalbagan, pawang magkakamag-anak; at ang kanilang kaibigan na si Wil John Brillo, 24, ng bayan ng San Enrique, Negros Occidental.

Masuwerteng nakaligtas ang dalawa nilang kasamahan na sina Jefferson Tabligan, 24, ng Doña Juliana, Bacolod City, at Kimberly Betilla ng Brgy. Singcang, Bacolod City, naka-confine sa pagamutan sa Bacolod City.

Nangyari ang insidente sa Paradiso Beach Resort sa Brgy. Miranda, Hinigaran, makaraan biglang humampas ang malaking alon at tinangay sa gitna at malalim na bahagi ng dagat ang mga biktima.

Nakaligtas din ang katulong ng pamilya na si Jessa Desuyo nang makalangoy at nakabalik sa mababang bahagi ng dagat at nakahingi ng tulong sa iba pang naliligo na siyang tumawag ng rescuers.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *