Friday , November 15 2024

5-anyos totoy patay sa bumagsak na scaffolding

PATAY ang isang 5-anyos batang lalaki makaraan mabagsakan ng scaffolding habang naglalaro kasama ng kanyang mga kaibigan sa Sta. Cruz, Maynila  kamakalawa.

Nagawa pang itakbo sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Amir Butuan ng 307 Rizal Avenue Ext., Sta. Cruz, Maynila ngunit binawian ng buhay bunsod nang pagkabasag ng bungo.

Habang inaresto ng mga pulis ang itinurong responsable sa insidente na si Alberto Hayag, 64, biyudo, ng 437 P. Gomez St., Sta. Cruz, Maynila, nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District Homicide Section, dakong 6:45 p.m. nang maganap ang insidente sa Ronquillo Street., Sta. Cruz, Maynila

Habang naglalaro ang biktima kasama ng kanyang mga kapwa bata nang pumanik siya sa pinakamataas bahagi ng scaffolding na umuuga.

Bunsod nito, bumagsak ang scaffoling, nahulog ang biktima at nabagsakan nito.

Nabatid sa ulat, matagal nang hindi nakalagay ang scaffolding sa nasabing lugar ngunit inilipat doon ni Hayag kaya pinaglaruan ng mga bata.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *