Sunday , December 22 2024

Libreng Serbisyo sentro ng kampanya ni Mayor Fred Lim

UUMPISAHAN ng nagbabalik na Manila Mayor Alfredo S. Lim ang kanyang kam-panya sa pamamagitan ng isang motorcade na iikot sa iba’t ibang bahagi ng lungsod sa Linggo (March 27).

Ito ang napag-alaman sa kanyang chief of staff na si Ric de Guzman, na nagsabing bilang paggalang sa Semana Santa ay hindi mangangampanya si Lim sa Sabado de Gloria at sa halip ay mag-uumpisa ng kanyang kampanya sa Linggo ng Pagkabuhay bagama’t ang opisyal na umpisa ng kampanya para sa lokal na kandidato ay March 26.

Si Lim, na siyang pambatong kandidato ng Liberal Party para mayor ng Maynila, ay nakatakdang makipagtagpo alas-8 ng umaga sa kanyang mga kandidato sa Plaza Hernandez sa harap ng Tondo Church sa District.  Mula roon ay sabay-sabay na silang magmo-motorcade sa iba’t ibang bahagi ng District 1, 2, 3 at 4.

Pagdating ng ala-una ng hapon, muling makiki-pagkita si Lim sa kanyang mga kasamahang kandidato sa Army Navy Club sa Roxas Boulevard sa ikalimang distrito ng lungsod at mula roon, ang kanyang motorcade ay iikot na iba’t ibang lugar sa Districts 5 at 6.

Kinabukasan (March 28), nakatakda namang ganapin ang proclamation rally ng LP sa Plaza Miranda sa Quiapo simula alas-6 ng gabi, na kasama ni Lim ang mga kandidato mula bise alkalde, Kongreso hanggang konsehal.

Ayon kay De Guzman, ang kampanya ni Lim ay sesentro sa pagtitiyak nitong ibabalik ang lahat ng libreng pangunahing serbisyo na kanyang ipinatupad sa Maynila, na kinabibilangan ng libreng medikal na serbisyo para sa mahihirap na hindi kayang gumastos para sa gamot at pagpapa-ospital. Ito aniya ay nangyari sa pamamagitan ng ginawa ni Lim na pagpapatayo ng mga libreng ospital ng lungsod sa bawat distrito – Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc at Sta. Ana Hospital.

Ang noon ay nakatayo nang Ospital ng Maynila ay agad naman niyang ipina-ayos sa kanyang pag-upo sa City Hall.

Itinatag din ni Lim ang 59 barangay health centers, 12 lying-in clinics o libreng paanakan, dalawang libreng kolehiyo, 85 daycare centers,  97 karagdagang bagong elementary at high school buildings, 130 bagong-gawang kalsada at dalawang evacuation centers kung saan maaring manatili ang mga residente sa oras ng emergency o kalamidad.

Ani De Guzman, ibabalik din ni Lim ang dating mababang tax rates na ipinatutupad noon ng kanyang administrasyon bago itinaas ng kasalukuyang administrasyon nang mahigit sa 200 porsiyento.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *