Sunday , December 22 2024

Menorca No Show sa CA Hearing (Walang paliwanag)

HINDI na naman sinipot ni Lowell Menorca II, itiniwalag na dating ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC), ang sariling pagdinig sa Court of Appeals nitong Lunes.

Hindi nakapagbigay ng magandang paliwanag ang abogado niya kung bakit ilang ulit nang wala sa korte ang kliyente.

Naghain si Menorca ng petisyon noong isang taon at humingi ng writ of habeas corpus at writ of amparo kaugnay sa umano’y pagdetine at panggigipit sa kanya ng INC. Napagsuspetsahan si Menorca na naglabas sa isang “blog” ng mga katiwalian sa loob ng Iglesia.

Nauna nang hindi nagpakita sa pagdinig si Menorca noong Marso 7. Sinabi ng abogado niyang si Atty. Trixie Cruz-Angeles na nawawala o ‘missing’ daw ang kanyang kliyente.

Niliwanag din ng Bureau of Immigration na biglaang lumipad si Menorca bitbit ang kanyang pamilya patungong Vietnam, linggo ng gabi, isang araw bago ang Lunes na pagdinig. 

Sinabi ni Menorca sa mga opisyal ng immigration at ng korte na babalik siya sa Filipinas sa Marso 20 (2016).

Noong Enero 20, inaresto si Menorca patungo sa hearing sa CA. Hinuli siya ng mga tauhan ng Manila Police District kaugnay sa kasong libelong isinampa laban sa kanya. Nakalaya rin agad si Menorca matapos magpiyansa.

Humaharap si Menorca sa hiwalay na reklamo ng adultery at assault. Hinihinalang ang patuloy na pagkawala ng dating Ministro sa korte at sa mata ng publiko ay senyales ng pag-iwas sa patong-patong na asunto.

Sa pinakahuling pagdinig sa CA nitong Lunes, dapat ay isasalang sa cross-examination si Menorca pero sinabi ni Atty. Angeles na hindi raw niya nakakausap ang kliyente. Hindi nakapagbigay ang abogado ng magandang dahilan kung bakit  absent na naman si Menorca.

Naghain ng mosyon ang mga abogado ng ACCRA, na nagtatanggol sa INC, na ibasura na ang petisyon dahil ito ay “moot and academic.”

Sinabihan ng CA ang mga abogado na magsumite ng kanilang “position paper” ukol sa agarang pag-dismiss sa kaso.

“Nagiging malinaw na nagtatago si Menorca sa korte, at ayaw nang siputin ang sarili niyang petisyon. Ano pa bang paliwanag niya sa patuloy niyang ‘di pagsipot sa isinampa niyang kaso? Tama ang CA sa pagtanggi sa panukala ng abogado niya na iba na lang ang tumestigo. Siya ang nagrereklamo, siya dapat ang gumalang sa korte at magpakita rito,” ani Atty. Trina Prodigalidad ng ACCRA.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *