Friday , November 15 2024

Ina, 3 anak na paslit patay sa Tondo fire

PATAY ang isang ginang at tatlo niyang mga anak habang isa pa ang sugatan nang sumiklab ang sunog sa kanilang bahay sa itaas ng isang palengke sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimamg si Evelyn Verzosa, nasa hustong gulang, at kanyang mga anak na sina Marky, 4; Micaela, 6, at Edison, 7, pawang mga residente sa Carmen Planas St., sa Tondo.

Sugatan ang isang Raffy Fernandez, nasa tamang edad, at residente rin sa naturang lugar.

Napag-alaman, nagsimula ang sunog dakong 11 p.m. sa New Oriental Market, sinasabing pagmamay-ari ng isang Ciara Tan, malapit sa Tondo Church.

Ayon kay Manila Fire Department chief, Jaime Ramirez, umabot ang sunog sa Task Force Alpha at idineklarang fire out dakong 1 a.m. nitong Lunes.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, posibleng ang pagsiklab ng linya ng koryente sa gusali ang sanhi ng sunog.

Tinatayang aabot sa P5 milyon ang halaga ng mga ari-ariang napinsala dahil sa  sunog at 50 pamilya ang naprehuwisyo nito.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *