Friday , November 15 2024

P10 rollback sa pasahe ipinababawi ng taxi ops

IPINABABAWI ng grupo ng taxi drivers ang ipatutupad ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na P10 rollback sa singil sa pamasahe.

Nais din hadlangan ng transport groups ang bagong ipatutupad na distance charge na P3.50 bawat 500 meters at P3.50 sa 90 seconds na waiting time dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo

Habang gagawing P60 lamang ang flagdown rate sa mga airport taxi at gagawing permanente rin sa P4 ang singil sa waiting time bawat 90 seconds.

Inirereklamo rin ng taxi drivers at operators ang UBER na anila’y kanilang ilegal na kakompetensya dahil wala itong pormal na prankisa.

Sinabi ni Board Member Ariel Inton, walang dapat ireklamo ang taxi operators at drivers dahil sa katunayan aniya noong nakaraang taon pa ipinatupad ang P10 rollback sa singil ng pamasahe sa mga taxi.

Maging ang bagong rates aniya sa distansya at wating time ay hindi rin sa ngayon dapat problemahin dahil magsisimula pa raw ang pagpapatupad nito sa Abril kapag tapos nang ma-calibrate at maselyohan muli ang metro ng mga taxi.

Sa Marso 19 nakatakdang maging permanente ang provisional P30 flagdown rate mula sa dating P40 flagdown rate sa lahat ng mga taxi sa bansa maliban sa CAR.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *