Sunday , December 22 2024

P1.2-B plunder vs Gazmin sa chopper deal

NAHAHARAP sa P1.2 bilyon plunder case sa Office of the Ombudsman si Defense Sec. Voltaire Gazmin kaugnay sa pinasok na deal noong 2013 ukol sa pagbili ng chopper.

Isang Rhoda Alvarez na empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang naghain ng reklamo laban sa kalihim.

Ayon kay Alvarez, nakatanggap ng seven percent commission ang kalihim sa nasabing kontrata.

Bukod kay Gazmin, sinasabing tumanggap din ng limang porsyentong komisyon ang iba pang opisyal ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nag-ugat ang usapin sa kinontrata ng DND na Rice Aircraft Services at Eagle Copters para sa pagbili ng 21 units ng Huey helicopters.

Napag-alaman, 2014 pa sana ang deadline ng delivery ng lahat ng mga ito ngunit hindi naisakatuparan nang buo ng kompanyang nasa likod ng deal.

Halos kalahati lang ang naihatid ng Rice Aircraft Services at Eagle Copters at ang karamihan sa mga ito ay hindi na magamit ngayon dahil sa pagiging depektibo.

Wala pang tugon sa isyung ito ang kampo ni Gazmin at iba pang mga akusado.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *