NINAKAW ng kauna-unahang international beauty queen ng Myanmar ang sariling korona na nagkakahalaga ng US$100,000 matapos bawiin sa kanya ang kanyang titulo dahil sa pagiging bastos at sinungaling, ayon sa mga organizer ng patimpalak.
Binura ang larawan ni May Myat Noe sa Miss Asia Pacific World website, habang tinatakan ng katagang ‘dethroned’ sa tabi ng kanyang pangalan.
“Akala niya hangang hawak niya ang korona ay siya ang nagwagi,” pahayag ni David Kim, director of media para sa South Korea-based na beauty pageant. “Nagkakamali siya.”
Sinabi ng mga organizer na nagsinungaling si Noe para mapatunayang hindi puwedeng pagkatiwalaan. Hindi nga lang nagbigay ng paliwanag o mga detalye ukol dito.
Hindi rin nakuhaan si Noe komento sa pangyayari ngunit plano umano ng dalaga na magbigay ng pahayag sa isang news conference, ayon sa Eleven Media, isang pahayagan sa Myanmar.
Sinabi rin ni Hla Nu Tun, na umaaktong unofficial manager ni Noe, hindi nagkasundo ang beauty queen at ang mga organizer kung sino ang mangangasiwa sa kanyang career.
Nais ng kanyang ina na siya ang mangasiwa pero gayon din ang nais ng organizers. Sanhi ng kalahating siglong pamumuno ng batas militar sa Myanmar, matagal na panahon na hindi ito lumahok sa ano mang international beauty contest hanggang 2012.
Nang koronahan si Noe nitong Mayo, tinanaw itong bagong simula para sa mga batang dilag ng bansa.
Kinalap ni Tracy Cabrera