TUCP para kay Mar ‘di kay Binay
Hataw News Team
March 14, 2016
News
ANG buong suporta ng pinakamalaking national labor group sa ating bansa na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay ipinagkaloob sa tambalan ng Liberal Party standard bearer na sina presidential candidate Mar Roxas at kay vice-presidential candidate Camarines Sur Rep. Leni Robredo at hindi sa kandidatura ni Vice President Jejomar Binay para sa May 2016 presidential elections.
Ito ang ipinunto at binigyang-linaw ni TUCP president Ruben Torres bilang pagtutuwid sa inilabas na news item nitong Pebrero 29 sa online edition ng isang broadsheet na may titulong “Labor Group Backs Binay.”
Ang source ng pagpapahayag ay mula sa isang Alan Tanjusay na walang awtorisasyon o kapahintulutan upang magsalita para sa TUCP dahil siya ay kabilang sa grupo ni Democrito Mendoza na tinanggal bilang kaalyado ng pinakamalaking organisasyon na TUCP.
“It is shameless that an expelled TUCP affiliate continues to claim leadership and perhaps, ownership of the biggest national labor in the country, in defiance of the Supreme Court (SC) and Court of Appeals (CA) decisions on the leadership in TUCP. This defiance includes an illegal and forcible siege of the TUCP Headquarters in Quezon City, involving armed hooligans,” pahayag ni Torres.
Base sa desisyon ng SCat CA, malinaw na si dating Senator Ernesto Herrera ang TUCP president matapos mag-resign noong Nobyembre 2012 si Atty. Democrito Mendoza.
Nang mamayapa si Sen. Herrera, si Torres na ang umakto bilang presidente ng TUCP alinsunod sa constitutional processes.
Inihayag ni Torres na ang International Trade Union Confideration (ITUC), ang ITUC Asia Pacific, ang International Labor Organization (ILO) at halos lahat ng national labor centers sa ASEAN at sa buong mundo ay rumerespeto at kinikilala ang leadership ngayon ng TUCP.
Hiniling na ng TUCP sa CA na ma-contempt ang naging gawi ng napatalsik na grupo nina Tanjusay.
“We also urged the Department of Labor and Employment (DOLE) to act faster on our motion for full implementation of the writ of execution of the SC and CA decisions, including a return of possession of the TUCP Headquarters to legitimate TUCP officers and members,” pahayag ni Torres.
Sa manifesto noong Nobyemre 2015, ang TUCP ay nagpalabas ng kanilang pahayag na “unequivocal support” o malinaw na pagsuporta para kina Roxas at Robredo dahil sa kanilang hindi matatawarang records para sa kanilang good governance at ang full commitment na makamit ang progresibong resulta para sa ating bansa.