Friday , November 15 2024

Kapatiran solido – INC        

“PAGPAPALAGANAP ng pamamahayag, pagsasakatuparan sa aming misyon sa pamamagitan ng mas malaking Iglesia at mas mabuting paglilingkod, ito ang direksyon na piniling tahakin ng Iglesia ni Cristo (INC) upang tugunan ang negatibong litanya ng mga kritiko at dating mga miyembro,” paliwanag ni INC spokesperson Edwil Zabala.

“Hindi ho kami manhid. Minsan ay apektado rin kami ng sunod-sunod na negatibong balita laban sa amin,” pag-amin ni Zabala.

Ngunit agad niyang nilinaw na “mas nanaisin ng INC na maghasik ng punla ng paglago at maglingap sa mas maraming tao sa paraan ng aktwal na paglilingkod.”

Ibinalita ni Zabala na magbubukas ang Iglesia ng mas maraming kapilya sa buong mundo bilang karagdagan sa limang inihandog kamakailan sa North America ngayong taon.

Nakatakda rin umanong ihandog ng INC ang sampung kapilya sa US, dalawa sa United Kingdom, dalawa sa South Africa at dalawa sa Japan sa susunod na ilang buwan.

“Upang tugunan ang pangangailangan sa paglilingkod ng mga bagong kapilyang ito, nasa 7,000 ang aming ministerial students ngayon sa buong mundo na inihahanda ng INC sa buhay-paglilingkod.”

Dagdag ni Zabala, sa ilalim ng pangangasiwa ni Executive Minister Eduardo V. Manalo isang bagong-patayong gusali ng New Era General Hospital sa Quezon City ang nakahandang tumugon sa pangangailangang medikal ng publiko.

Ang bagong pasilidad na may apat na palapag ay may 139 hospital beds at nakadisenyo upang paglingkuran ang mga pasyenteng maralita.

“Kung ang iba’y nagnanais na kami’y paghiwahiwalayin at wasakin, kami ay magkakaisa at magsisilbing mabuting halimbawa. Kapag ang mga kritiko ay maglunsad ng mapanirang krusada, itinatayo namin ang isa’t isa at mga kapilya. Kami ay nagsisikap na isabuhay ang utos na mahalin ang Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas,” paliwanag ni Zabala.

“Hindi namin gawain ang tumugon sa kasamaan ng isa pang mali. Aming pinagsisikapan na manatiling mabuti, at matatag kaming nagkakaisa para sa pangasiwaan ni Executive Minister Edurardo V. Manalo,” bigay-diin ng tagapagsalita ng Iglesia.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *