PNoy hindi na makukulong
Hataw News Team
March 11, 2016
Opinion
TIYAK na makatutulog na nang mahimbing ngayon si Pangulong Noynoy Aquino matapos magdesisyon ang Supreme Court na maaari nang tumakbo si Sen. Grace Poe sa pagkapangulo sa darating na halalan sa Mayo 9.
Alam ni PNoy na wala talagang kapana-panalo ang kanyang official candidate na si Mar Roxas, kaya nga marami ang nagsasabing may ‘kamay’ ang pangulo sa naging desisyon ng Supreme Court na pumabor kay Poe hinggil sa disqualification case na iniharap laban sa kanya ng Commission on Elections (Comelec).
Kung mananalo kasi si Vice President Jejomar Binay, tiyak na patong-patong na kaso ang kakaharapin ni PNoy at malamang na makasama niya si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na maburo sa Veterans Memorial Medical Center na kinakukulungan ngayon dahil sa kasong plunder.
Si Poe lang ang maaaring tumalo kay Binay kaya higit na panatag ang kalooban ngayon ni PNoy sa maaaring kalabasan ng eleksiyong darating.
Hindi maaaring umasa si PNoy kay Ro-xas dahil tiyak na ilalampaso lang ni Binay kung tuluyang natalo si Poe sa SC.
Ngayon, higit na lalakas ang puwersa ni Poe hindi lamang dahil sa naging de-sisyon ng SC kundi ang palihim na suportang ibinibigay sa kanya ni PNoy at ng ilang matataas na lider ng Liberal Party.
Kawawa na naman si Roxas, sa kangkungan na naman dadamputin.