Monday , December 23 2024

EX-PNP Chief nagpiyansa sa graft case

NAGLAGAK ng piyansa si dating PNP chief Director General Avelino Razon Jr., at 13 iba pang akusado kaugnay ng kasong malversation at falsification of public documents bunsod nang pagkakasangkot sa maanomalyang pagkukumpuni ng PNP armored vehicles noong 2007.

Ito ay makaraan payagan ng Sandiganbayan Fourt Division na makapagpiyansa sina Razon kasunod nang pagpayag ng anti-graft court sa hirit ni dating National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Geary Barias na makapagpiyansa sa kahalintulad na kaso.

Batay sa records ng Fourt Division ng Sandiganbayan, nakapaghain si Razon ng P520,000 piyansa para sa two counts ng malversation at four counts ng graft.

Nabatid na si Barias ay nakapaghain ng kanyang piyansa nitong nakalipas na Lunes sa halagang P460,000.

Bukod kina Razon at Barias, 11 akusado pa ang nakapaglagak na rin ng piyansa.

Nag-ugat ang kaso nina Razon at Barias sa maanomalyang pagkumpuni ng PNP light armored vehicles na nagkakahalaga ng P385.5 milyon noong 2007 sa panahon na PNP chief pa si Razon.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *