Friday , November 15 2024

‘Manalo’ humakot ng parangal (Sa 32nd PMPC Star Awards)

UMANI ng parangal mula sa 32nd PMPC Star Awards nitong Linggo, March 6, ang Felix Manalo, ang talambuhay ng tagapagtatag ng Iglesia Ni Cristo (INC) na isinapelikula at itinanghal sa mga sinehan noong Oktubre.

Iniuwi ng nasabing historical drama ang parangal para sa Movie of the Year, Best Director para kay Direk Joel Lamangan at Best Actor para kay Dennis Trillo.

Nakopo rin ng obrang handog ng Viva Films ang mga awards para sa Movie Production of the Year (Edgar Martin Littaua, Joel Bilbao, at Danny Red) at ang Movie Original Theme Song of the Year para sa “Ang Sugo ng Diyos Mula Sa Mga Huling Araw” ni Sarah Geronimo.

Isinapelikula sa ilalim ng kasalukuyang pangasiwaan ni INC Executive Minister Brother Eduardo V. Manalo bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng pagkakatatag ng INC noong Hulyo 27, 2014.

Itinampok dito ang pinakamalalaking artista sa loob ng tatlong dekada kabilang sina Joel Torre, Elizabeth Oropesa, Snooky Serna, Gladys Reyes at Bela Padilla.

 Ang mga parangal mula sa PMPC Star Awards  na inani ng “Manalo” ay sumunod lamang sa iginawad na pagkilala ng Guinness Book of World Records.

Ang nasabing obra ni Lamangan ay nakatala na sa pamosong Guinness Book dahil sa pagkakaroon ng  ”Largest Attendance For A Film Screening” at “Largest Attendance For A Film Premiere” noong una itong ipinalabas sa publiko noong nakaraang taon na 43,624 katao ang dumalo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

 Ipinagkakatangi ni Lamangan ang kanyang direksiyon sa pelikulang Felix Manalo, kasabay ng pahayag na ang mga award ay balidasyon at patunay lamang na karapatdapat sa mabusising panlasa ng mga kritiko at pagtangkilik ng manonood na Filipino dahil sa makatotohanang paglalahad ng mga simulain at hamong kinaharap ng INC.

Ang DVD format ng nasabing pelikula ay nakatakdang ilabas sa buong mundo.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *