Sunday , December 22 2024

UST stude nahulog sa condo, kritikal

NILALAPATAN ng lunas sa Philippine Orthopedic Center ang isang estudyante ng University of Santo Tomas (UST) bunsod ng multiple fracture injuries makaraan mahulog mula sa ikatlong palapag ng El Pueblo Condominium sa Anonas St., Sta. Mesa, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Eddie Masorong, 23, umookupa sa Bldg. 330-C ng El Pueblo condominium, sa Anonas St., Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa imbestigayson ni SPO1 AlvinSente, ng Manila Police District-Police Station 8, naganap ang insidente dakong 8:50 a.m. sa nabanggit na condominium.

Ayon kay Joey Acebrod, 37, residente ng Bldg. C-2 ng El Pueblo condominium, nagluluto siya nang makarinig nang malakas na kalabog.

Pagkaraan ay nakita niya ang biktimang namimilipit sa sakit kaya humingi siya ng tulong sa guwardiya na siyang tumawg ng ambulansiya.

Inaalam pa ng pulisya ang dahilan kung bakit nahulog ang biktima.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *