‘UNANINOY’ decision nga ba?
Hataw News Team
March 9, 2016
Opinion
MAGALING talagang mag-coin ng salita ang mga Pinoy.
Kahapon, matapos pumutok ang balita na nagdesisyon na ang Korte Suprema pabor kay Senadora Grace Poe sa botong 9-6, biglang pumutok ang ‘una-ninoy decision.’
Ang salitang ‘unaninoy’ ay naka-context sa mga tao o mahistradong nagdesisyon sa nasabing kaso.
‘Unaninoy’ dahil mas marami umano sa mga mahistradong nagdesisyon ay appointed ng Malacañang sa panahon ni PNoy.
O sa madaling sabi, reserbang kabayo umano ni PNoy si Sen. Grace?
Nauna nang napaulat na secret candidate ni PNoy kaya marami ang nagduda na maaaring inutusan ng Punong Ehekutibo ang mga iniupo niya sa Korte Suprema na bumoto nang pabor sa senadora para payagang tumakbo sa dara-ting na presidential race.
Kabilang sa mga pumabor kay Sen. Grace sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Associate Justice Marvic Leonen, Associate Justice Francis Jardeleza at Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, pawang appointee ni PNoy.
Bumoto rin nang pabor sina Associate Justice Lucas Bersamin, Associate Justice Presbitero Velasco, Associate Justice Jose Mendoza, Associate Justice Diosdado Peralta at Associate Justice Jose Perez na appointed ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Habang ang mga bumoto para sa disqualification ni Poe ay sina Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justice Arturo Brion, Justice Leonardo de Castro, Justice Mariano del Castillo na pawang PGMA appointee, at ang dalawang appointee ni PNoy na sina Associate Justice Bienvenido Reyes at Associate Justice Perlas-Bernabe.
Hindi naman pala, ‘unaninoy’ meron din dalawa na bumoto nang hindi pabor.
Bukod sa pagko-coin ng mga salita, mayroon pang expertise ang mga Pinoy lalo na ‘yung mga nakaposisyon — ‘yung tinatawag na ‘konsesyon.’
At ‘yun ang tanong, may konsesyon ba sa likod ng 9-6 boto pabor kay Sen. Grace Poe?