Friday , November 15 2024

Sexual harassment vs DSWD exec tuloy  — Ombudsman

ISINULONG ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong sexual harassment sa Sandiganbayan laban sa dating assistant regional director ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 8.

Una rito, inireklamo sa Ombudsman si Assistant Regional Director Jaime Eclavea ng isang aplikante na nag-aplay bilang administrative assistant sa DSWD.

Batay sa affidavit ng biktima, sa kanyang unang pagdalo pa lamang sa mga aktibidad ng DSWD ay inimbitahan siya ng suspek sa kanyang bahay sa Tacloban City.

Pinatulog aniya siya sa kuwarto ni Eclavea at doon nangyari ang sexual harassment.

Sa over night trips aniya ay inuutusan siya na matulog sa tabi ng suspek at kung hindi ito gagawin ay sisibakin siya sa bilang administrative assistant sa ilalim ng tanggapan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) sa opisina ni Eclavea.

Sa counter affidavit ng DSWD official, itinanggi niya ang alegasyon at sinabing paninira lamang ito sa kanyang 34 taon serbisyo sa gobyerno.

Ngunit sa inilabas na resolusyon ng Ombudsman, lumalabas na may matibay na ebidensiya sa ginawang pananamantala at paggamit ng opisyal ng kanyang posisyon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *