Friday , November 15 2024

P30 flagdown rate ng taxi permanente na – LTFRB

PERMANENTE na sa P30 ang flagdown rate sa mga taxi sa buong Filipinas.

Ito ang inianunsiyo kahapon ni LTFRB Chairman Winston Ginez, kasunod ng serye ng oil price rollback mula noong  nakaraang mga buwan.

Ito ay dahil kahit sinasabing dapat magkaroon ng automatic minus P10, ilang driver ang hindi tumatalima sa kautusan.

Bunsod nito, kailangang i-reconfigure ang mga metered taxi para baguhin ang automatic na P40 flagdown na naka-program sa mga metro.

Bukod dito, ang P3.50 dagdag na bayad ay para na sa succeeding 500 meters mula sa dating kada 300 meters.

Magiging epektibo ang bagong taxi rate sa Marso 19, 2016.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *