Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Environment friendly technology isusulong

ISUSULONG ng Mapecon Green Charcoal Philippines, Inc. (MGCPI) ang programang pinaniniwalaan nilang makahihikayat sa publiko na tumulong sa pagpapalaganap ng impormasyon kaugnay sa halaga ng managed environment sa pamamagitan ng thematic program na idinesenyong matugunan ang mga problema sa peste, basura at iba pang problema sa kapaligiran. Naniniwala ang kompanya na ito ay susuportahan ng publiko.

Ang programang tinaguriang “Modern Indigenous Proven Solutions” ay nakasaad sa position paper na iprinesenta sa DENR sa nakaraang administrasyon.

Ito ang inihayag ni noted inventor Gonzalo Catan, Jr., MGCPI executive vice president, nagsabing ang programa ay nabuo kasunod ng resulta ng pagsasaliksik kaugnay sa mabilis na pagdami ng populasyon ng waterlilies at putik sa Laguna Lake at Pasig River.

Ayon sa pagsasaliksik, ang mga waterlily ay maaaring gawing alternative fuel habang ang putik ay maaaring gawing vermicast (organic fertilizer) sa pamamagitan ng patented Green Charcoal technology ng kompanya.

Paliwanag ni Catan, iko-convert ng Green Charcoal technology ang biowaste patungo sa green charcoal sa porma ng pellets, firelogs at briquette at ito ay ‘environment friendly’.  Ito ay activated carbon na pinoprodyus mula sa coconut shell, coal at iba pang forest wastes gamit nang Toyota Hi-Ace 4-K engine na pina-aandar ng 100% green charcoal hydrogen fuel, ang pinakamalinis na fuel, alternatibo sa petroleum fuel na nakasasama sa kapaligiran.

Ang activated carbon ay amorphous carbon na isinasalang sa thermal treatment kasama ng oxidizing gases at vapors o mixture ng bath (steam) para mapataas ang ‘absorptive properties’. Ang steam activation nito ay umaabot sa 900°C.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …