Friday , November 15 2024

Sanlakas all-out support kay Chiz (Pagbabalik ni Marcos bibiguin)

030216 FRONTNANAWAGAN ngayong Linggo sa publiko ang Sanlakas, isang party-list at people’s organization mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, na alalahanin ang mga krimen laban sa mamamayang Filipino ng pasistang diktadura ni Marcos noong Martial Law.

Kasabay nito, isinapubliko ang kanilang desisyong makipag-alyansa sa independent vice presidential candidate na si Sen. Chiz Escudero bilang unang hakbang para biguin ang ambisyong politikal ni Sen. Bongbong Marcos.

Ayon kay Sanlakas President Manjette Lopez, ang kanilang samahan, isa sa mga orihinal na party-list groups na nanalo ng representasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso noong 1998 ay “nakikiambag ng tinig sa koro ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao at ng mga aktibistang lumaban noon sa diktadura upang kumampanya laban sa panunumbalik sa kapangyarihan ng mga Marcos.”

“Naaalala namin, hindi lamang ang napakaraming buhay na tinapos at sinira ng extrajudicial killings, enforced disappearances at tortyur, kundi ng marami pang ibang paglabag ng rehimeng Marcos sa karapatang pantao. Hindi rin dapat isantabi ng bansa ang bilyon-bilyong dolyar na kinulimbat ng mga Marcos at ng kanilang mga kroni,” ayon kay Lopez.

“Sinasabi ng mga tagasuporta ni Bongbong na hindi dapat manahin ng anak ang pagkakasala ng ama. Ngunit ang ganitong deklarasyon ay hindi angkop at isang malaking kabalintunaan,” paliwanag ni Lopez.

“Hindi lamang niya itinatanggi ang mga krimen ng pasistang diktadura, ipinagmamalaki pa na mas maayos ang ating buhay noon kaysa ngayon – dahil sa pagnanais niyang muling ibalik ang bansa sa madilim na bangungot ng batas militar ng kanyang ama.”

Sinusugan din ito ng labor leader at Sanlakas party-list nominee na si Leody De Guzman na nagsabing ang Sanlakas ay, “nakikiisa sa Never Again Campaign upang biguin ang ambisyong muling makabalik sa kapangyarihan ang isa pang Marcos.”

Upang isakatuparan ito, ayon kay De Guzman, nagpasya umano ang Sanlakas na makipag-alyansa kay Escudero, ang pinakamalakas na katunggali ni Marcos sa darating na halalan sa Mayo.

“Ang tagumpay ni Escudero sa halalang ito ay katumbas ng tagumpay ng bayan sa hangaring harangin ang ambisyon ni Bongbong sa halalan ngayong taon,” bigay-diin ni De Guzman.

Si Escudero umano ang isa sa mga kandidatong matatag ang prinsipyo na sang-ayon sa pagsasakatuparan ng 7-puntong plataporma ng pagbabago na isinusulong ng Sanlakas.

Kabilang sa 7-point platform ng Sanlakas ang panawagan tungo sa: regular na pagkakakitaan; serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon, pabahay, universal health care, ligtas at maayos na mass transportation; pakikinabang sa lupa at suporta ng pamahalaan sa mga magsasaka; climate justice at pangangalaga sa kalikasan; pro-people budgeting at progresibong pagbubuwis; pagsugpo sa katiwalian; at higit na kapangyarihan ng mamamayan laban sa paghahari ng dayuhang interes at pagsasamantala ng malalaking korporasyon sa bansa.

Bagama’t nauunawaan umano nila kung bakit maraming sektor ang desmayado sa resulta ng EDSA People Power Revolution, hindi umano sapat ang katwirang ito upang suportahan ang kandidatura ni Marcos o ang “muling panunumbalik ng pasismo” na isinusulong ni Davao Mayor Rodrigo Duterte.

“Mali ang katwiran ng ilan sa ating mga Filipino, gaya ng mga tagasuporta ni Duterte at Marcos, na nagnanais ibalik muli ang bansa sa kuko ng pasistang pamumuno. Maliwanag na hindi nila batid, lalo na ng mga kabataan, ang dalang bangungot ng Martial Law.”

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *