Kalaban natataranta kay Amado Bagatsing?
Tracy Cabrera
February 27, 2016
Opinion
We’d all like to vote for the best man, but he’s never a candidate. — Kin Hubbard
NATATARANTA na raw ang mga kalaban ni Cong. Amado Bagatsing.
Ngayon, si Congressman Amado Bagatsing ang “apple of the eye” ng mga taong nasa kampo ng kanyang mga kalaban.
Si Bagatsing na anak ng dating alkalde ng Maynila na si Mayor Ramon D. Bagatsing, ay nasa ikatlong termino bilang kongresista ng 5th District of Manila at ngayon ay tumatakbo bilang alkalde ng lungsod sa ilalim ng isang local coalition o ang “Ang Bagong Maynila Coalition-Team KABAKA.”
Makakasama niya rito ang mga anak ng mga dating kilalang politiko sa lungsod tulad nina 5th Dist. Coun. Ali Atienza, bilang kanyang vice-mayor; congressional candidates na sina Manny Lopez sa 1st dist., anak ni dating Manila mayor Mel Lopez; re-electionist 2nd dist., Cong. Carlo Lopez, anak ni dating Cong. Jim Lopez; at re-electionist 6th dist. Cong. Sandy Ocampo, anak ni dating Cong. Pablo Ocampo.
Anyway, mabalik tayo mga kaibigan sa issue.
Bakit nga ba si Bagatsing naman ang paborito ng mga taong nasa kampo ng isang kalaban ngayon?
Well, balita natin medyo hindi na “banta” sa kandidatura ni Mayor Fred Lim si Erap dahil sa dami ng isyung ipinupukol sa dating presidente ng bansa na napatalsik sa puwesto dahil naman sa isyu ng pandarambong.
Sa Maynila, kung pakikinggan ang hinaing ng mayorya sa mamamayan ng lungsod, malaking pahirap talaga ang inabot nila sa administrasyon ni Erap.
Habang lumalapit ang eleksiyon patuloy na tumataas ang ratings sa mga survey ni Cong. Bagatsing kontra sa mga karibal. ‘Yan ay kung pagbabasehan ang mga naririnig nating ‘chismis’ sa mismong kampo ng kanyang mga kalaban.
Ang latest survey na lumabas na ginawa ng isang grupo ng mga negosyante sa Maynila, nakakuha ng 34.7% si Bagatsing, totoo ba ito?
Nakakuha naman ng 30.7% si Lim, at 28.9% si Erap, habang ang natitirang 5.7% naman nananatiling undecided kung sino ang iboboto sa darating na halalan.
Ang survey ay ginawa sa pagitan ng January 30, 31, at February 1, 2016.
Kaya ngayon kapwa ‘trouble shoot’ ang dalawang kampo para mapabango ulit at muling mabola ang galit na mga Manilenyo.
Noong una kasi, sa mga suveys ay nilagpasan nang husto nitong si Bagatsing ang kasalukuyang mayor na si Erap na dating pangalawa kay dating Mayor Lim. Pero balita natin hindi pinapansin ng kampo ni Lim si Cong. Bagatsing, kasi nga naman putok na putok daw sa Maynila na tutukod daw sa huli ang kampanya ng kongresista dahil walang makinarya o sapat na pera para panggastos sa kanyang kandidatura.
In short, si Cong. Bagatsing daw ang pinaka-mahirap sa tatlong kandidato.
Pero ngayong lumalapit na nga ang eleksiyon, maging ang dating nangunguna sa survey ay nilagpasan na rin ni Cong. Bagatsing, na talaga namang ikinagulat ng kanilang kampo at kampo ni Erap.
Bukod sa bali-balitang naririnig natin, mismong isa sa kandidatong vice mayor ni Lim ang nagsabi, na kung pagbabasehan ang kanilang latest survey, patuloy na tumataas ang numero sa survey ni Bagatsing kontra kay Lim.
Gaano kaya ito katotoo?
Bukod rito ang pamamayagpag ng kanyang mga bataan sa Maynila at ang mga isyu kaugnay sa kontrobersya na “Tore De Manila.”
Gaano man katotoo ito, hintayin na lang natin mga kaibigan, tutal naman, malapit-lapit na rin ang buwan ng Mayo. At dito magkakaalaman kung gusto pa ba ng mga Manilenyo ang serbisyo nina Lim at Erap o naghahangad na nga ba ng ‘PAGBABAGO’ ang mamamayan ng Maynila.
Abangan!
Sang-ayon kay DEL ROSARIO
SANG-AYON ako kay outgoing Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary ALBERT DEL ROSARIO na sana ituloy ng susunod na magiging pangulo ang stand ng Pilipinas sa territorial dispute sa West Philippine Sea (WPS). Sa survey pa na kanilang isinagawa ay siyam sa bawat 10 na Pinoy ang pabor sa aksyon ng ating bansa sa paghahain ng kaso laban sa China. Kaya nararapat na ituloy ng susunod na administrasyon na ipaglaban at protektahan ang ating teritoryo sa diplomatikong paraan at naayon sa batas. Maraming Pilipino ang umaasa na papabor ang international court sa Pilipinas at ang gobyerno natin ang dapat mag-initiate ng bilateral talks sa China upang mapanatili pa rin ang maayos na relasyon ng dalawang bansa. – Luisa M. Noble
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!