Friday , November 15 2024

“Felix, those were the fruitful years…” P/Maj Gen Ramon E Montano

Tatlong dekada na pala mula noong ako’y mapabilang sa HPC/INP Battalion sa ilalim ni da-ting PC Col. Gregorio Maunahan… isang provisionary battalion na binuo para sa pagtatanggol ng Kampo Crame sa mga sunod-sunod na coup d’etat.

Taon 1985, tandang-tanda ko na hindi ma-apula ang galit ng tao sa rehimeng Marcos. Pa-libhasa ay produkto ng isang progresibong-isipang paaralan sa Lepanto, Manila at nasa mataas na paaralan noong mga panahong iyon (1960-64), hindi ko makakalimutan ang sunod-sunod na pag-aalsa ng mga mag-aaral hanggang maging resulta ng pagkakawala nang marami. Pagkakapaslang sa marami… pagngangalit nang marami, sa mga kaganapang nauwi sa Presidential  Procilamation No. 1081.

Noong 1970 sa bisa ng alok ng Civil Service Commission, nakapasok bilang writer-researcher sa Office for Civil Relations, GHQ AFP sa ilalim ng liderato ni PA Col. Jose Andaya at isang taon at kalati pagkaraan,  sa OCR PC napadpad halos kasabayan ng pagkakahirang kay Pangulo (dati noong Brig General AFP) Fidel Ramos bilang Chief PC.

Ito ang maikling masasabi ko bilang isang kawani ng sandatahang hukbo ng Filipinas at naging marubdob ako sa napiling bokasyon.  Sumiklab ang People Power Revolution at isa ako sa maraming naipit sa kaguluhan sa EDSA sa loob ng Kampo Crame.  Isang taon pagkaraan tuloy-tuloy ang pag-aalsa at maging ang mga sundalo ay nagbuo ng kani-kanilang maliit na hukbo… RAM at YOU ang mga prominenteng rebeldeng grupo laban sa itinalagang pangulo na si Corazon Aquino.

Agosto 1987 minsan uli akong naiipit sa Kampo Crame, sa panahong ito isa na akong Chief, Civilian Training Branch ng PC/INP C3 Division at sa ikatlong palapag ang aming opisina sa pamumuno ni PC Col Triumpo Agustin. 

Hindi na mapigilan ang mga nag-aalsang rebeldeng RAM at YOU hanggang sa isang pagkakataon na halos umabot sa dalawang araw, nakita ko ang mga nakalap nilang mga eroplano at helicopter na nambomba sa main building ng kampo.

Si Maj Gen Ramon Montano ang pinuno noon at ang kanyang magaling at matapang na administrative officer at highest ranking sa mga opis-yal ng Office of the Chief PC/INP na si P/Major Magtanggol Gatdula, ang aking laging kasalamuha habang kamiý tulong-tulong na naglilikas ng mga puwede pang maisalbang gamit ng OCPC/INP.

Dumating din ang oras na hindi ko inaasaahang mangyayari bilang isang sibilyang kawani. Para hindi ako ma mis-encounter ng mga sundalo at pulis na kasama kontra sa mga rebeldeng maaaring nakihalubilo sa mga nasa loob ng kampo, pinahiram ako ng dating (now deceased) P/Maj Bernie Banac ng fatigue niyang pang-itaas at inisyuhan ako ng first sergeant namin ng M16 at isang bandolier ng bala. 

Sa grupo ni dating P/Col  Gregorio Mauna-han kaming lahat na nasa third floor ng building napabilang at ang assignment namin ay bilang second wave of defense na nasa likod ng PC/INP grandstand.

Tuloy-tuloy ang mahahabang putukan na ang iba ay galing sa katabing VV Soliven Tower sa EDSA at ang iba ay galing sa katapat na kampo.  Nangyaring ang isang kasamahan ko sa second wave of defense ay tinamaan ng shrapnel —isang policeman na naka-detail sa aming opisina. 

Mabilis akong nakuha ng dumaraang military jeep galing sa lugar ng Logistics Command sa Crame at doon ko isinakay ang sugatang kasamahan tungo sa Crame General Hospital. Ang isa naman ay pilit kong binalikan sa gitna ng nakabibinging putok ng sari-saring malalakas na armas. 

Kung sila’y buhay pa ngayon, sana’y maka-reunion kong muli at sariwain ang dahilan kung bakit ako ginawaran ng AFP Distinguished Ho-nor Medal… isang patunay na ginawa ko ang tungkulin ko sa  bansang sinilangan.

Jesus Felix Vargas

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *