Friday , November 15 2024

2 patay, 12 tiklo sa anti-drug ops sa Davao

DAVAO CITY – Dalawa ang patay habang 12 ang naaresto sa ‘one time big time’ drug operation ng 12 police stations sa Lungsod ng Davao.

Napag-alaman mula sa Davao City Police Office sa pangunguna ni S/Supt. Vicente Danao, Jr., 12 police stations at Investigation and Detection Management Branch ang kabilang sa mga nagsagawa ng operasyon.

Sa nasabing operasyon, dalawang armadong suspek ang nanlaban kaya nabaril at napatay sa isinagawang raid ng mga awtoridad.

Kinilala ang mga napatay na sina Amar Bara, residente ng Brgy. 76-A, Bucana, Davao City, nakompiskaan ng isang shotgun, .45 caliber pistol, .38 caliber revolver, .22 air gun, dalawang kilo ng marijuana; at  Ronald dela Cruz, nanlaban sa raid na isinagawa sa Legazpi Inn at nakuha sa kanya ang isang .38 revolver at ilegal na droga.

May nabawi rin na iba’t ibang sukat ng sachet ng shabu, at marijuana mula sa mga suspek.

Habang nakompiskahan din ng iba’t ibang uri ng armas ang naarestong mga suspek.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *