Friday , November 15 2024

Pinay kinatay ng asawang Taiwanese (Bahagi ng inatadong katawan nawawala)

TINANGGALAN ng laman loob, pinagputol-putol ang katawan ng isang ginang ng asawang Taiwanese sa hinalang may kalaguyo sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Ernesto T. Barlam, ang biktimang si Rowena Cobalida Kuo, 47, ng Taylo St., Brgy. Pio Del Pilar ng naturang siyudad.

Ang suspek na si Yuan-Chang Kuo, 46, residente rin sa naturang lugar, ay nasa kustodiya na ng Makati Police .

Base sa imbestigasyon ni PO3 Ronaldo Villaranda, sinabi ng mga anak ng biktima na sina Joanne Jane Tiongco at Ywey Kuo, natagpuan nila ang putol-putol na bangkay ng kanilang ina dakong 9:15 p.m. kamakalawa.

Anila, ang pira-pirasong katawan ng biktima na tinanggalan ng laman-loob ay nakabalot sa green na kumot at nakalagay sa loob ng kanilang stock room sa may ikatlong palapag ng bahay.

Sinabi ng mga anak na nawawala ang kanilang ina noon pang Pebrero 22 ng umaga na inakalang umalis lamang ng bahay.

Ayon kay Joane Jane, kamakalawa ng madaling araw (Pebrero 23) dakong 2:30 a.m., napanaginipan niya ng kanyang ina sa loob ng stock room ng kanilang bahay at bigla na lamang siyang nagising at kinabahan sa pag-aalalang may masamang nangyari sa ina.

Nang sumapit ang gabi, nagpasya silang magkapatid na puntahan ang stock room at pagbukas nila ay nalanghap nila ang masangsang na amoy at tumambad sa kanila ang kaawa-awang sinapit ng ina.

Dali-daling humingi ng tulong ang magkapatid sa mga awtoridad at positibong bangkay ng ina ang natagpuan.

Patuloy na hinahanap ng Scene of the Crime Office (SOCO) ng Southern Police District Office (SPD) ang iba pang bahagi ng katawan ng biktima na posibleng inilagay sa septic tank.

Kasalukuyang nakapiit ang mister ng biktima sa Makati police headquarters at malaki ang pagdududa ng pulisya na siya ang responsable sa brutal na kamatayan ng ginang na ginamitan ng kutsilyong heavy duty.

Matinding selos ang sinisilip na dahilan ng pagpaslang ng suspek sa hinalang may kalaguyo ang biktima.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *