Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Massive public campaign vs poll fraud ilulunsad (Pangako ng Comelec)

AMINADO ang Commission on Elections (Comelec) na kulang pa ang kanilang pagsisikap upang mapanatag ang damdamin ng mga botante kaugnay sa pangamba na mangyayari pa rin ang malawakang dayaan sa darating na 2016 elections.

Kasagutan ito ni Comelec Chairman Andres Bautista makaraan ang inilabas na resulta ng isang survey, nakasaad na 39 porsiyento ng mga botante ang nagsasabi na hindi pa rin mawawala ang election fraud sa bansa.

Sinabi ni Bautista, magsisikap pa sila na maihatid ang pagiging transparent ng ahensiya upang maalis ang agam-agam ng taong-bayan.

Sinabi ni Bautista, puspusan ang kanilang gagawing pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para bigyang paliwanag ang mga botante sa sistema ng halalan na gagamitin sa May 9 polls.

Gayonman, iginagalang ng opisyal ang opinyon ng ilang mga botante at mga grupo na naglalayong makamtan ang iwas-dayaan na pang-panguluhang halalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …