Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagita sex slave ng ama

ARESTADO ang isang lalaki makaraan ireklamo ng panggagahasa sa anak niyang 14-anyos dalagita sa kanilang bahay sa Malolos, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Jesseco Pingol Patino alyas Jess, walang trabaho, 45-anyos, residente ng Grande Royale, Brgy. Bulihan sa naturang lungsod.

Napag-alaman, nabisto ng ina ang panggagahasa sa anak kamakalawa ng madaling araw nang hindi pa tumatabi sa pagtulog ang mister kasunod ang matinding pagdududa nang mapansing naka-lock ang pintuan ng kuwarto ng biktima.

Nang katukin ng ginang ang pinto ay mister pa ang nagbukas nito hanggang mapansin niya ang anak sa loob na humahagulgol ng iyak at takot na takot.

Nang komprontahin ang anak, umamin ang dalagita na ginahasa siya ng ama. Humantong ito sa mainitang pagtatalo ng mag-asawa hanggang sa mabulgar na hindi lang ito ang unang pagkakataon na naganap ang pangyayari. 

Pagkaraan, agad inireklamo ng ginang ang mister sa himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …