Sunday , December 22 2024

Campus journos, estudyante nag-walkout (Neoliberal policies sa edukasyon kinondena)

022516 FRONTTINULIGSA ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang polisiya ng administrasyong Aquino na lalo pang isinailalim sa deregulasyon at komersiyalisasyon ang college education sa bansa na nagkakait sa mga kabataang Filipino sa kanilang karapatan sa edukasyon.

Ayon kay Marc Lino Abila, national president ng CEGP, ang average annual tuition ay domoble mula sa P30,000-P50,000 noong 2010 ay naging P60,000-P100,000 sa 2015, habang makaraan ang isang taon, daan-daang mga unibersidad at kolehiyo ang nagtaas ng matriukula at iba ang bayarin. Sa academic year  2016-17, tinatayang 400 ang nakatakdang magtaas ng matrikula. Ito ay malinaw aniyang tinatrato ng gobyerno ang edukasyon bilang negosyo na kaya lamang ng mayayaman.

Gayondin, binatikos ni Abila ang pahayag ng Commission on Higher Education (CHED) na ang mga kolehiyo at unibersidad ay may karapatan na magtaas ng matrikula ayon sa nakasaad sa batas.

Nitong Miyerkoles, daan-daang mga estudyante mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang nag-walkout sa kanilang klase para ipakita ang kanilang pagtutol sa pagtaas ng matrikula at nanawawagan ng katarungan para sa mga biktima ng commercialized education.

Ayon kay Abila, ang kaso ni Jessiven Lagatic at apat pang mga estudyante na nagpatiwakal bunsod ng kakulangan sa pinansyal para sa kanilang pag-aaral sa ilalim ng administrasyong Aquino, ay walang iba kundi malinaw na indikasyon ang mga kabataang Filipino ay itinutulak ng gobyerno sa kawalan ng pag-asa.

Kaugnay nito, hinikayat ni Abila ang mga kabataan na makibahagi sa pagprotekta sa pangunahing karapatan sa edukasyon at nanawagan na panagutin si Aquino sa mga biktima ng deregulasyon at commercialized education.

Samantala, lumahok ang PUP sa nationwide protest, tinaguriang ‘Nationwide Walk Out,’ laban sa sumasamang estado ng edukasyon, bilang pagkondena sa pagpapatupad ng Aquino administration sa neoliberal policies sa edukasyon.

Sinabi ni College of Education (CoEd) Student Council President Rejohn Modesto, ang edukasyon sa bansa  na ipinatutupad ng Aquino administration ang neo-liberal policies at deregulation tactics, ay nag-uutos sa mga estudyante na balikatin ang mataas na edukasyon sa porma ng mga bayarin.

Bunsod nito, ang edukasyon aniya ay nagiging pribelihiyo at hindi bilang serbisyo ng gobyerno sa mamamayan.

Ayon sa Kabataan Party-list, ang Private Universities gayondin ang Universities and Colleges (SUCs) ay domoble ang kita mula sa tuition at OSF sa ilalim ng termino ni Pangulong Benigno Aquino III. Mula sa P30,000 hanggang P50,000 average matriculation cost noong 2010, ito ay tumaas sa  P60,000 hanggang P 100,000 sa mga paaralan sa University Belt.

Samantala, ang SUCS ay umabot sa all time high na 55% na pagtaas sa tuition fee collection, mula sa P5.3 bilyon noong 2010 ay umakyat sa P8.1 bilyon noong 2015. Ang OSF collection ay umakyat sa P4.7 bilyon mula P2.6 bilyon noong 2010, sa overall 88% na pagtaas.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *