Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kampanya nilangaw (Jocjoc supporter ni Poe)

022216 FRONT 3AKTIBONG tagasuporta ang utak ng P728-million Fertilizer Scam na si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn ‘Jocjoc’ Bolante ni presidential candidate Grace Poe sa Capiz, na siyang dahilan kung bakit nilangaw kamakailan ang mga rally ng pambato ng Partido Galing at Puso sa naturang lalawigan.

Si Bolante at kanyang political ally na si Mark Ortiz ang kilalang mga lider ng Grace Poe for President Movement sa Capiz. Si Poe, kasama ang running mate niyang si Senador Chiz Escudero ay tumatakbo sa 2016 elections sa ilalim ng Partido Galing at Puso.

Ayon sa Panay News, nabigo sina Bolante at Ortiz na makakuha ng suporta mula sa mga taga-Capiz para mapuno ang CAP Development Center Building sa Roxas City at Lake House San Antonio Resort nang dumalaw sina Poe at Escudero sa Capiz nitong nakaraang linggo.

Nauna dito, nakansela ang dialogue nina Poe at Escudero sa mga estudyante sa isang paaralan sa Roxas City. Planong ilipat ang dialogue sa isang mall sa lungsod pero hindi rin ito natuloy.

Tumakbong gobernador at bise-gobernador  sa Capiz noong 2010 sina Bolante at Ortiz, na parehong talunan, isang malakas na indikasyon na wala silang kredibilidad at walang tiwala sa kanila ang mga taga-Capiz.

Ayon naman sa kampo ng LP, walang makukuhang suporta sina Poe at Escudero sa Capiz dahil ang baho ng pangalan ni Bolante ay nakadikit na sa kanila.

Si Bolante ay kilala bilang utak ng “Fertilizer Scam,” na ang P728 milyong pondo para sa fertilizer na ipapamahagi sana sa mga magsasaka ay napunta umano sa campaign funds ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong 2004.

“Matatalino ang mga taga-Capiz. Malinaw sa kanila kung sino ang dapat suportahan. Hindi natuloy ang mga event ni Senator Poe sa Capiz, na siyang patunay na hindi siya gusto ng mga tagaroon. Hindi na ito nakakapagtaka dahil ang kilalang supporter niya sa Capiz ay tumakbo noong vice governor kasama si Jocjoc Bolante,” ayon kay Akbayan partylist Rep. Ibarra Gutierrez, isa sa mga tagapagsalita ng LP.

Inakusahan ng kampo nina Poe ang LP na nasa likod ng pagkansela ng mga pagtititipon ng Partido Galing at Puso sa Capiz. Pero ayon kay Gutierrez, imbes mag-isip ng kung ano-anong “conspiracy theories,” dapat ay aminin na lang ni Poe na ayaw sa kanya ng mga taga-Capiz dahil nasa likod niya si Bolante.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …