Monday , December 23 2024

2 Chinese timbog sa P40-M shabu

021916 FRONTARESTADO ang dalawang turistang Chinese nationals makaraan makompiskahan ng hindi kukulangin sa walong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P40 milyon, sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng District Special Operation Unit (DSOU) at District Anti-Illegal Drugs (DAID), Southern Police District (SPD) sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng officer-in-charge ng Southern Police District (SPD) na si Sr. Supt. Eusebio A. Mejos, ang mga suspek na sina Li Shao Xiong, 35; at Shi Qing Tian alyas Angelo Santillan, 47, pawang taga-Fujian Province, Shi Shi City, China.

Nakapiit na ang dalawa sa SPD detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act (RA) 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa ulat na nakarating kay Mejos, dakong  9 p.m. nang masakote ang mga suspek sa parking area ng isang food chain (Jollibee/Home Depot) sa panulukan ng Macapagal at Gil Puyat avenues (dating Buendia Avenue), Pasay City.

Makaraang makatanggap ng tip mula sa kanilang asset kaugnay sa illegal na operasyon ng dalawang suspek, agad naglunsad ng buy-bust operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *