ASEAN Open Skies protocols welcome sa CEB
Hataw News Team
February 11, 2016
News
WELCOME sa Philippine leading carrier na Cebu Pacific (PSE: CEB),ang ratipikasyon ng Philippine government sa ASEAN Open Skies agreement.
Sa kasunduang ito, pahihintulutan ang designated carriers ng ASEAN countries na makapag-operate ng unlimited flights sa pagitan ng capitals, na hahantong sa mas mainam na ‘connectivity’ at higit na competitive fares and services.
Ang CEB ay kasalukuyang nag-aalok nang higit na bilang ng flights at destinasyon sa ASEAN mula sa Filipinas. Ang airline ay lumilipad sa 11 destinations sa pitong ASEAN countries, kabilang ang Brunei Darussalam, Cambodia (Siem Reap), Indonesia (Bali at Jakarta), Malaysia (Kuala Lumpur at Kota Kinabalu), Singapore, Thailand (Bangkok at Phuket), at sa Vietnam (Hanoi at Saigon).
Sa pamamagitan ng CEB’s interline agreement sa Tigerair Singapore, ang CEB ay nag-aalok din ng flights patungo sa Myanmar (Yangon), via Singapore.
Sa Open Skies, ang CEB ay maaaring makapagdagdag ng flights patungo at mula sa key destinations sa ASEAN, para matugunan ang lumalaking travel demand sa loob ng rehiyon.
Ang mga pasahero mula sa international destinations ay maaari rin samantalahin ang lowest year-round fares at widest domestic network ng CEB, upang madaling makakonekta sa alin mang sikat na isla sa Filipinas.
“We commend the DOTC, DFA, DOT, CAB and other relevant agencies for supporting the ratification of this agreement. The Philippine aviation industry has reached a milestone that will ultimately benefit the travelling public, as we open our airspace to vast travel opportunities and operational efficiencies between and among ASEAN carriers,” pahayag ni Atty. JR Mantaring, CEB Vice President for Corporate Affairs.
Alinsunod sa regulatory approvals, ang kasunduan ay magpapahintulot sa carriers na i-upgrade ang kanilang ASEAN flights sa wide-bodied aircraft at mapataas ang kapasidad nang hindi na kakailanganin ang ‘air talks.’
Sa streamlined process na ito ay makapagtutuon ang CEB sa pagpapalawak ng kanilang operasyon, at mapagbubuti ang kanilang customer experience at hindi na gagamit pa ng valuable resources para makipagnegosasyon para sa karagdagang air rights.
“Given our government’s support of this liberalized and equitable air services agreement, the Philippines solidifies its position as a prime and competitive global hub for air travel. Cebu Pacific looks forward to contributing to this evolution, and enabling more Filipinos to fly across ASEAN, and across the globe,” dagdag ni Atty. Mantaring.
Ang CEB ay nag-aalok ng flights sa network nang mahigit 90 routes sa 64 destinations, spanning Asia, Australia, at Middle East. Ito ay nakatakdang maglunsad ng direct flights sa pagitan ng Manila at Guam, ang una nitong US destination ay noong Marso 15, 2016.
Para sa bookings and inquiries, maaaring bisitahin angwww.cebupacificair.comor call (+632)7020-888 or (+6332)230-8888. Ang latest seat sales ay matatagpuan sa CEB’s official Facebook atTwitter pages. Ang guests ay maaari ring mag-download ng Cebu Pacific official mobile app sa App Store and Google Play.