Friday , November 15 2024

Tapyas-buwis sa Binay admin (Kumikita ng P30,000 pababa)

021016 FRONTHINDI na bubuwisan ang mga kumikita ng P30,000 at pababa  kada-buwan  sa Binay administration.

Ang ginhawang tapyas-buwis ay isa sa mga ilalaban ng pambato ng United Nationalist Alliance (UNA) na si Jejomar Binay.

Kayang-kaya ang tapyas-buwis sa kadahilanan na ang mawawalang P30 bilyon sa kaban ng goberyno ay wala pa isang porsiyento sa inaprubahang badyet ng gobyerno ngayong 2016 na P1.3 trillion, ayon kay Binay.

Kayang-kaya din bawiin ang mawawalang pondo sa isang masinsinang pagsugpo ng smuggling, diin ni Binay.

Halos P230-bilyon ang nawawala sa mga smugglers ng bigas, bawang at ibang pang produktong agrikultura noong nakaraang taon sa kasalukuyang Aquino administrasyon. Halos hindi rin binabanggit ng Liberal Party ang malalang isyu ng smuggling.

Maliban sa agriculture smuggling, halos P30 bilyon din ang nawawala sa oil smuggling at halos P12 bilyon sa tobacco smuggling.

Ang tapyas-buwis ay malaking tulong sa pang araw-araw na gastos sa pamilyang Filipino, ayon kay Binay.

Bukod sa dagdag kita, mas maraming mabibili ang bawat pamilyang Filipino na makatulong sa kanilang buhay at sa ating ekonomiya, diin ni Binay.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *