Thursday , December 26 2024

Raid sa Bilibid magpapatuloy

 

SA ika-16 na “Oplan Galugad” raid na isinagawa ng mga awtoridad sa New Bilibid Prisons (NBP) noong Sabado ay pinasok nila ang third quadrant ng Building 3.

Sa pagkakataong ito ay mas kaunti ang nakompiska nilang kontrabando kabilang na ang DVD players, TV sets, cell phones at mga patalim, bunga na rin marahil nang sunod-sunod nilang pagsalakay sa mga selda.

Winasak din nila ang marangyang kubol umano ng nahatulang drug lord na si Jaybee Sebastian sa loob ng maximum security compound.

Masasabi talagang maluho ang naturang kubol matapos matuklasan na mayroong sariling entertainment room, ilang kama, kubo, hardin, at canteen sa loob nito.

Sa naunang ika-15 Oplan Galugad ay giniba naman nila ang recording studio ng sentensiyadong pinuno ng bank robbery group na si Herbert Colangco.

Nabawasan nang malaki ang bilang ng mga nasamsam na kontrabando na tulad ng bala ng shotgun, improvised na baril, mga kasangkapan, cell phones, patalim at P200,000.

Maglalagay na raw ang Bureau of Corrections (BuCor) ng container vans bilang kapalit ng mga kubol upang magsilbing bagong dormitoryo ng mga preso.

Ang pangako ni NBP Superintendent Richard Schwarzkopf Jr., marami pang raid na isusunod hanggang hindi tuluyang nawawala ang mga ilegal na kontrabando sa loob ng Bilibid.

Pero hindi ba nagtataka ang mga awtoridad kung bakit hindi maubos-ubos ang mga kontrabando na kanilang nakokompiska? Pang-16 na raid na ang kanilang isinagawa pero nababawasan lang ang bilang ng kanilang nasasamsam, at hindi pa rin ito nawawala.

Higit pa sa pangako na gagawing tuloy-tuloy ang mga raid, dapat magsagawa nang masinsinang imbestigasyon sa kalokohang nagaganap sa Bilibid.

Dapat tutukan ng mga awtoridad ang mga guwardiya na dapat sana’y tumutupad sa kanilang tungkulin. Dahil patuloy silang nakakokompiska ng mga ipinagbabawal na bagay sa loob ng Bilibid ay maliwanag na hindi ginagawa ng mga guwardiya ang kanilang trabaho nang maayos.

Pero nagtatapos ba ang lahat ng kalokohang ito sa mga guwardiya? Dapat malaman kung gaano kalalim ang nasasaklaw ng iregularidad mula sa mga guwardiya pataas.

Makakikilos ba ang mga guwardiya nang maluwag at walang inaalalang pananagutan kahit kanino, kung hindi nila itinuturing ang mga sarili na ‘pinagpala’ at  ‘nakasandal sa pader?’

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Hataw Tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *