Sabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, hindi pa puwedeng ikulong si Vice President Jejomar Binay, dahil mayroon pa siyang immunity.
Oo nga naman. VP pa rin siya hanggang ngayon.
Pagkatapos na raw ng kanyang termino.
Pero ang tanong ng marami, kung manalong presidente si VP Binay, maipakulong pa kaya siya?!
S’yempre hindi na rin.
Hindi rin siya puwedeng i-impeach, maliban kung mayroon na namang makitang katiwalian habang nanunungkulan siyang pangulo (halimbawa lang naman).
Kung aakyat ang kasong Plunder laban kay Binay, aba, lalabas na magkakakosa na sina Erap, Binay at kapag nagkataon pati si dating presidente GMA.
Tsk tsk tsk…
Hindi talaga natin maintindihan kung bakit butas-butas ang batas para sa mahihirap o sa maliliit nating kababayan na naghahangad ng kalayaan.
Kaya nga ang bilis makalusot ng mga tiwali.
Hindi katulad sa Taiwan (nakikiramay po kami sa mga nasaktan, nasugatan at nawalan ng mga kamag-anak dahil sa lindol diyan sa Taiwan), hindi pa nasasampahan ng kaso ay kusang nagbibitiw sa puwesto kahit presidente pa o punong ministro sa isang lugar o ahensiya.
At kapag napatunayang nagkasala ay talagang ipinakukulong.
Pinapayagan lamang makalabas sa kulungan kung talagang mahinang-mahina na at nangangailangan talaga ng atensiyong medikal.
Kailan kaya ito mangyayari sa ating bansa?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com