Mas pinaboran ba ang mga CA kaysa organic employees sa Immigration?
Hataw Tabloid
February 6, 2016
Bulabugin
HANGGANG ngayon daw ay todo-gapangan pa rin ang maraming mga gustong mag-apply na Confidential Agents (CA) diyan sa Bureau of Immigration(BI).
Ang ilan pa raw sa kanila ay mga dati ring tao ng sinibak na commissioner na si SigFraud ‘este’ Siegfred Mison.
Nitong mga nakaraang linggo lang ay marami na raw ang na-REHIRE sa kanila at ang iba ay talagang identified sa nakaraang administrasyon.
Well, diyan makikita na hindi talaga benggador ang mga kasalukuyang nakaupo ngayon sa BI.
Pero kahit paano, dapat din sigurong magkaroon ng masusing loyalty check sa mga nasabing personalidad dahil baka ang mga ‘bagong CA’ na ‘yan ang gumawa ulit ng alingasngas ‘pag tuluyan na ulit nakapuwesto sa Bureau?!
Tama ba ang obserbasyon na ‘yan, CA Magallon?!
Pero maraming nagtatanong na Immigration Officers, bakit daw mukhang nauna pang asikasuhin ang hiring o rehiring sa nasabing CAs, samantala maraming dating ORGANIC employees na sinuspendi, itinapon at sinibak si Miso ‘este Mison nang walang legal basis ang hindi pa rin pinababalik sa Bureau?
Ang ilan pa nga sa kanila ay ‘yung mga hayagang lumutang at nakipaglaban sa ‘oppression’ na ginawa ni Mison pero hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa kawalan.
Hindi ba mas nararapat na bigyan sila ng priority o kung hindi man ay pukulan ng atensiyon dahil sa mga naging sakripisyo nila sa dating administrasyon?
At sa ating pagkakaalam, bago lumisan si Justice Ben Caguioa sa DOJ, may instruction siya na ibalik agad ang mga nasabing empleyado kung wala naman silang kaso.
Anyare na, BI Comm. Ronaldo Geron?
Ang sa atin ay tanong lang naman ho!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com