PATULOY ang mga kritiko sa pagtatangkang ‘palubugin’ ang vagina kayak ng isang artist sa Japan.
Sa nagpapatuloy na Japanese obscenity case, si Megumi Igarashi ay nilitis nitong Lunes sa Tokyo District Court. Nais ng mga prosecutor na siya ay pagmultahin ng 800,000-yen (tinatayang $6,600) bunsod nang pag-transmit ng imahe ng kanyang genitals na maaaring ireprodyus sa 3D objects, ayon sa ulat ng artnet.com.
Ginamit ni Igarashi ang digital campaign sa pagbubuo ng mga iskultura, cellphone cases at iba pang souvenirs. At maaaring ang pinakapansin-pansin niyang proyekto ay ang kayak.
Ayon sa Japan Today, siya ay naaresto noong Hulyo at Disyembre, 2014 bunsod ng pagpapadala ng 3D scans sa paying recipients.
Sinabi ng artist, tinawag ang kanyang sarili bilang si Rokudenashiko (“good for nothing kid”), ang kanyang artwork ay hindi mahalay, ayon sa ulat ng Japan Today.
“Having created works that defy the (existing) image associated with genitalia, I cannot agree with may arrest,” pahayag niya, ayon sa ulat ng Japan Times.
Iginiit ng prosecutors, maaaring gamitin ng ‘recipients’ ang mga imahe para sa mahalay na layunin.
Ang desisyon ng korte kung may nilabag siyang obsenity law ay inaasahan sa Mayo 9.
Ayon sa ulat ng Huffpost, ang maximum sentence sa pagpapakalat ng obscene objects ay dalawang taon pagkabilanggo at multang aabot sa 2.5 million yen. (THE HUFFINGTON POST)