Friday , November 15 2024

Pia ‘di pa rin exempted sa tax — BIR

NANINDIGAN si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares, hindi pa rin ‘exempted’ si Pia Wurtzbach sa pagbabayad ng buwis dito sa bansa, kasunod ng panalo sa Las Vegas bilang Miss Universe 2015.

Ayon kay Henares, wala pang naipapasang batas para ma-excuse si Pia na alinsunod sa three-fourths na boto mula sa House at Senado.

Paglilinaw ng kalihim, maliit lamang ang halaga ng buwis na kailangang bayaran ng Filipina beauty queen, dahil mas malaki ang buwis sa Estados Unidos na isang taon siyang magtatrabaho.

“If you look at it, Pia will probably pay the bulk of her income tax to the United States. If there will be any tax payment in the Philippines, it will probably be just 1 or 2 percent, or not even. She just has to declare her income overseas along with her income here, because most probably she will have an income here,” saad ng BIR commissioner.

Noong nakaraang linggo, aprubado na sa House ways and means committee ang panukalang-batas na nagbibigay ng tax exemption sa kinita at premyo ni Wurtzbach.

Naging unanimous ang boto ng mga miyembro ng komite para ipasa ang House Bill 6367 na inihain ng magkapatid na sina Reps. Rufus at Maximo Rodriguez Jr.

Sa ilalim ng House Bill 6367, magiging exempted si Pia sa pagbubuwis sa lahat ng natanggap niyang premyo, kabilang ang buong taon na suweldo, accommodation sa New York apartment, supply ng haircare products at marami pang iba.

Gayonman, pending pa ang isang panukalang-batas sa Senado.

Sa ngayon ay nasa San Francisco na ang 26-year-old Cagayan de Oro beauty dahil siya ay kinuhang special correspondent para sa Super Bowl 50.

Matatandaan, isang linggo ang naging homecoming niya sa Filipinas noong Enero 23 at iginiit niya na wala siyang balak takasan ang pagbabayad ng tax ngunit hindi aniya kasama rito ang P14 milyon Miss Universe crown na ipinahiram lamang sa kanya.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *