PATULOY pa rin ang paglaganap ng child labor sa Filipinas, batay sa datos ng Philippines Country Country Report na kina-lap ng Philippines 2011 Survey on Children at Philippines 2013 Labour Force Survey na isinagawa ng magkasanib na mga team ng International Labor Organization (ILO), United Nations International Children’s Education Fund (UNICEF) at World Bank (WB).
Sa report, hindi kukula-ngin sa 2.1 mil-yong kabataan, nasa edad 5 hanggang 17 taon gulang, o walong porsiyento ng na-sabing age group, ang apektado at indi-kasyon umano ito na hindi pa napagwawagihan ang kampanya laban sa kontrobersiya.
Napag-alaman din na mas mataas ang bilang ng mga kabataang lalaki sa mga rural area at sektor ng agrikultura na nasa-sadlak dito kung ihahambing sa mga batang babae. Umaabot sa 39 porsiyento ng mga kabataang nasa 15 hanggang 24 taon gulang and walang edukasyon o nakatuntong lamang sa grade school.
“Mahalaga ang pagtugon sa problema ng child labor upang sumu-porta sa pag-unlad ng lipunan at ekonomiya ng bansa. Dahil walang katiyakan ang paglago sa rehiyon at daigdig, kailangan ang well-educated at skilled work force para sa sustainable development,” punto ni Understanding Children’s Work (UCW) program coordinator Furio Rosati sa paglulunsad ng report sa understanding child labor and youth unemployment outcome in the Philippines sa Bayleaf Intramuros nitong Martes, Pebrero 2, 2016.
“Sa kaso ng Filipinas, natukoy na ang mga priority area na kailangan matugunan at kasama sa mga programa at polisiya ng pamahalaan. Dangan nga lang ay dapat bigyang-diin na ang susi sa hamon ay pagbawas sa artikulasyon ng policy framework para labanan ang child labor at mas epektibong pagpapatupad ng batas,” dagdag ni Rosati.
Kinalap ni Tracy Cabrera