ANG japan ay isa sa pinakaligtas na lugar sa planeta. Halos wala ritong nagaganap na krimen sa mga lansangan at ang murder rate sa nasabing bansa ay pangatlo sa pinakamababa sa buong mundo.
Ang estadistika sa murder ay tunay na kamangha-mangha, lalo na kung ikokonsidera ang pinagsamang populasyon ng dalawang bansang may mas mababang homicide rate na Monaco at Palau ay nasa 60,000 lamang, kung ihahambing sa Japan na umaabot sa 120 mil-yong residente.
Sa kabila ng pambihirang track record sa kaligtasan, kumakalat sa Japan ngayon ang advertisement para sa dalawang weird at non-lethal na sandata. Masasabing Chindôgu ang mga ito, na ang ibig sabihin ay mga imbensiyon na sinasabing kayang lumutas ng piling problema. Sa katunayan sobrang hindi praktikal para magkaroon ng tunay na halaga.
Ngayon…introducing ang Super Talon Ultra Net Launcher Kit, na mas kilala bilang Suitcase of Boom.
Ang bawat net gun ay may dalawang attachment. Ang isa ay sumisilo sa sino mang kriminal na para bang lambat ng mangingisda, habang ang isa pang attachment ay walang crank.
Nilalaman din ng Suitcase of Boom ang isa pang non-lethal weapon, na bumubuga ng isang uri ng gel hanggang 80 talampakan ang layo at naglalaman ng mace-like compound na nakasusunog sa balat ang mga mata.
Hindi nga ba’t ang una’y tulad din ng sandatang ginagamit ni Spiderman kapag nagharap sa matinding kalaban?
Kinalap ni Tracy Cabrera