Sunday , December 22 2024

Swiss Nat’l dedbol sa shadow boxing

HINDI na nagkamalay ang isang 38-anyos Swiss national nang biglang mag-collapse makaraan mag-shadow boxing sa loob ng fitness center ng tinutuluyang hotel sa Ermita, Maynila kamakalwa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Richard Prader, nanunuluyan sa Room 2936 sa 29th floor ng New World Manila Bay Hotel (dating Hyatt hotel) sa 1588 M.H. Del Pilar corner Pedro Gil, Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidene dakong 5:15 p.m. sa loob ng  Club Oasis Ftiness Center ng nabanggit na hotel.

Pagkatapos mag-shadow boxing, bigla na lang nag-collapse ang biktima dahilan para tawagin ang hotel physician na si Dr. Orlando Filoteo, at agad binigyan ng  Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) ang biktima at nilagyan ng oxygen para ma-revive ngunit hindi na nagkamalay kaya dinala sa Manila Doctors Hospital.

Dakong 6:11 p.m. nang opisyal na ideklarang patay na ang biktima.

Ipinaalam na sa Switzerland Embassy ang sinapit ng biktima at hinihintay na lamang ang kaanak niya sa Filipinas para kunin ang bangkay.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *