Sunday , December 22 2024

Huwag husgahan si Lt. Col. Marcelino (Apela ng Mistah)

UMAPELA sa publiko ang isang opisyal ng militar na huwag basta husgahan ang kanyang “mistah” na si Lt. Col. Ferdinand Marcelino na naaresto ng PNP-AIDG at PDEA sa isinagawang drug operation sa Maynila nitong nakaraang Huwebes.

“Mataas ang aking pagtingin sa propesyonalismo at integridad ng aking mistah na si Lt. Col Bong Marcelino. Kilala ko siya bilang ma-prinsipyo at may paninindigan,” pahayag ni Lt. Col. Harold Cabunoc na dating tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni Cabunoc, naiintindihan niya kung bakit determinadong maging drug buster si Marcelino at ito ay batay na rin sa kanyang naging karanasan.

Pagbibigay-diin ni Cabunoc, kalaban nating lahat ang droga at dapat ay magkakaisa ang lahat para masugpo ito.

“Nananawagan ako sa ating mga kababayan na huwag natin siya agad husgahan at hayaan natin syang ipagtanggol ang sarili sa proseso ng batas,” wika ni Cabunoc.

Kasamang naaresto ni Marcelino ang Chinese national na si Yan Yi Shou alias Randy, sa isang shabu clandestine laboratory.

Depensa ni Marcelino, siya nasa covert anti-drug mission kung kaya’t nasa lugar siya.

Dating pinuno si Marcelino ng Special Enforcement Service ng PDEA.

Nitong Biyernes, sa inquest proceeding sa Department of Justice (DOJ), iprinesenta ni Marcelino ang isang certification na inilabas ng Philippine Army bilang pruweba na siya ay nasa official mission.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *