Sunday , December 22 2024

Jueteng namamayagpag pa rin sa Malabon

KINONDENA ng Kilusan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) ang patuloy na pamamayagpag ng mga ilegal na sugal sa Camanava area partikular sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, pulos kamag-anak nina Mayor Antolin “Len Len” Oreta at Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang naparatangang nagpapatakbo ng mga ilegal na sugal sa dalawang lungsod kaya nagmimistulang inutil ang mga pulis doon.

“Nagbubulag-bulagan ba ang mga hepe ng Malabon at Caloocan sa lantarang tatlong araw na bola ng jueteng sa kanilang mga lungsod?” tanong ni Pineda. “Ginagamit pa nila para sa campaign fund ni LP presidential bet Mar Roxas ang kita sa jueteng kaya lalo itong dumadausdos sa survey.”

Ibinunyag ni Pineda na isang kabo ng jueteng sa Brgy. Tinajeros, Malabon na alyas “Mari” ang nagmalaki pang may bendisyon mismo ng Pangulong Aquino ang malawakang jueteng sa nasabing lungsod.

“Pati pangalan ni Pinoy nagagamit pa sa jueteng, hindi ba nahihiya si Mayor Len Len sa kawalang aksiyon niya sa lantarang jueteng sa Malabon?” giit ni Pineda.

“Wala na tayong aasahan kay Mayor Oca, sobra ang lakas sa kanya ni alyas ‘Manoling’ kaya nagtetengang-kawali lang siya sa mga ilegal na sugal sa Caloocan.”

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *