Sunday , December 22 2024

Presidentiables dadalo sa debate

TINIYAK ng mga kandidato sa pagkapangulo at bise presidente na dadalo sila sa itinakdang debate ng Commission on Elections (Comelec) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) kaugnay ng nalalapit na halalan.

Ayon kay KBP National Chairman Herman Z. Basbaño, halos lahat ng mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ay nagbigay na ng katiyakan sa Comelec-KBP na dumalo sa debate.

Maliban na lamang aniya kina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Miriam Defensor-Santiago na kakausapin pa ng kanilang mga kinatawan makaraan ang pagpupulong sa Comelec.

Nabatid na dumalo ang mga kinatawan ng mga kandidato sa Comelec kahapon kasama ang KBP para pag-usapan ang panuntunan sa gaganaping debate.

Magsisimula ang debate sa Pebrero 21 sa Cagayan de Oro City, susundan sa Visayas at Luzon.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *