Friday , November 15 2024

Order sa baba-pasahe ilalabas na — LTFRB

ANO mang araw mula ngayon, maaaring magpalabas na ng resolusyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay nang panawagang gumawa ng hakbang para mapababa ang singil sa pamasahe sa public utility vehicles (PUVs).

Kaugnay ito nang sunod-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Kung babalikan, marami na ang nananawagan na panahon na para ibaba ang singil sa ganitong serbisyo dahil sa serye ng oil price rollback maging sa world market.

Kinompirma ni LTFRB board member Atty. Ariel Inton, nagkaroon na sila ng mga pagpupulong kasama ang transport sector, na tema ang posibilidad na pagpapababa sa singil sa pamasahe sa PUVs.

“May pinag-uusapan na po diyan, at baka ang mga transport group nga ay willing na magbaba partikular na ang mga nasa hanay ng mga jeepney. Napapag-uusapan na namin yan at in the next few days ay magpapalabas na kami ng resolusyon diyan,” bahagi nang pahayag ni Atty. Inton.

Bukod pa ito sa inaasahan na lalo pang pagbagsak ng presyo ng langis na ngayon ay oversupplied sa world market habang plano pa ng Iran na doblehin ang kanilang produksyon ng langis, makaraang bawiin ang international sanction laban sa kanila.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *