Saturday , January 11 2025

Militar kasawsaw sa gusot sa INC (Kontsabahan nakadokumento)

012116 FRONTNAGLITAWAN ngayong linggo ang mga dokumentong maaaring magturo sa pagkakasangkot ng militar sa awayan sa pagitan ng Iglesia Ni Cristo (INC) at ng kampo ng dalawang kapatid ni INC Executive Minister Eduardo V. Manalo na sina Lottie Manalo-Hemedez at Angel Manalo – hinggil sa #36 Tandang Sora, Quezon City na pagmamay-ari ng Iglesia.

Ang mga dokumento, nakadetalye ang iskedyul, oras, destinasyon at mga pagpipiliang hakbang sakaling may mangyaring iba sa inaasahan sa mismong araw ng press conference ni Hemedez na isinagawa noong nagdaang Biyernes, ika-15 ng Enero, ay prominenteng nagsasaad ng salitang “marines” na tumutukoy sa kanyang security escorts.

Isang aktibong marines na nagngangalang Reuben Santiago ayon sa isang dokumento ang tumayong leader ng security team para kay Lottie Hemedez, samantala isang nagngangalang Lowell Menorca II ang nakasaad na ‘main organizer.’   

Usap-usapan sa hanay ng mediamen ang kapansin-pansing mga kasamahan nito na nagbibigay seguridad kay Hemedez tuwing humaharap at nakikipagpanayam sa media.

Napabalita rin ang mainit na pakikipagtalo sa mga itinalagang security guard ng INC sa harap ng gate ng #36 Tandang Sora nang magpumilit pumasok sa nasabing address si Hemedez kamakailan lamang.

Pagkahupa ng nasabing gulo, nagpalitan ng akusasyon ang dalawang armadong kampo hinggil sa pagbunot umano ng armas ng kaalitang panig habang nakikipagtalo.

Nang tanungin tungkol sa nabanggit na dokumento, sinabi ni INC Spokesman Edwil Zabala na wala silang impormasyon hinggil dito, ngunit inamin na ang INC “ay nakatatanggap ng mga ulat sa paglabas-masok ng mga naka-bonnet na armadong kalalakihan” sa pinagtatalunang ari-arian sa compound ng INC.

“Ang paglabas-masok ng kahinahinalang mga taong nakatago ang mukha ay mismong dahilan kung bakit pinaaalis namin sa nasabing compound si Ms. Hemedez at ang mga kasamahan niya doong itiniwalag na miyembro ng Iglesia,” ayon kay Zabala.

Ayon sa ministro, pinaiiral ang “maximum tolerance” at hinahon sampu ng kanilang pagpayag sa patuloy na paninirahan sa nasabing compound ng Iglesia ni Hemedez at ng kanyang pamilya matapos matiwalag bilang miyembro ng INC.

“Ngunit, ang pagpasok at pananatili sa compound ng mga armadong lalaki ang siyang nagtulak sa amin na magpasyang putulin ang arrangement na ito,” paliwanag ni Zabala, “dahil sa implikasyon sa aming seguridad at bantang dulot ng mga kahinahinalang tao malapit sa headquarters ng Iglesia.”                

Ayon kay Zabala, ang “pagkakasangkot ng marines” at ang “coordinated media events” ng pamilya Hemedez “ay nagpapatunay lamang sa planado, sistematiko at organisadong kampanya upang gibain ang reputasyon ng INC.     

“Nakalulungkot dahil usaping legal ito na nakalagak sa pagpapasya ng hukuman ngunit tila determinado ang aming mga kritiko na gawin itong isang ‘media spectacle’ – kapalit ang pagkakakilanlan at imahe ng Iglesia.”

About Hataw News Team

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *