Friday , November 15 2024

Imprenta ng balota iliban (Hirit ni Drilon)

NANAWAGAN at nakikiusap kay Commission on Election (Comelec) Chairman Andres Bautista si Senate President Franklin Drilon na iliban muna ang nakatakdang Pebrero 1 na pag-imprenta ng mga balota para sa May 2016 elections.

Ayon kay Drilon dapat hintayin muna ni Bautista ang magiging desisyon ng Korte Suprema ukol sa kaso ni Presidential aspirant Senadora Grace Poe hinggil sa disqualification case na kinahaharap  kaugnay sa  isyu ng residency at natural born citizenship.

Umaasa si Drilon na pakikinggan siya ng Comelec sa kanyang panawagan upang sa ganoon ay maalis sa taong bayan ang posibleng kalituhan sa mismong araw ng halalan o botohan.

Naniniwala si Drilon na dadalian ng Korte Suprema ang pagresolba sa isyu lalo na’t ang naturang usapin sa kaso ni Poe ay lubhang mahalaga at importante.

Nanalig si Drilon na hindi din matutulad si Poe sa kanyang ama na si Fernado Poe, Jr., na nadesisyonan ng Korte Suprema ang disqualification case bandang Abril na.

About Niño Aclan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *