Friday , November 15 2024

Ex-INC Minister Menorca inaresto

INARESTO ang dating Iglesia ni Cristo minister na inakusahan ang sekta ng pagkidnap sa kanya at pagkulong sa kanyang pamilya, nitong Miyerkoles ng mga pulis na naka-plainclothes sa pangunguna ng police superintendent na miyembro ng INC.

Ayon kay Lowell Menorca, patungo siya sa Court of Appeals (CA) para dumalo sa kanyang petition for writs of amparo at habeas corpus nang bigla siyang harangin at kanyang mga kasama sa Roxas Boulevard.

Sinabi ni Menorca, pinatalsik sa INC makaraang akusahan ang mga lider ng powerful sect ng pagdukot sa kanya sa Sorsogon nitong nakaraang taon, isinilbi sa kanya ng sinasabing mga pulis ang warrant of arrest.

“Galing po ako ng safehouse. Papunta ako sa Court of Appeals. Magpapalit po kami ng sasakyan bago pumunta ng Court of Appeals. Pagbabang-pagbaba ko, dinambahan na ako ng naka civilian na nakamotor lang at niyakap na ako at nakipagbuno sa akin at sinabi may warrant daw ako. Pulis daw po siya,” aniya.

Sinabi ni Menorca, ipinakita sa kanya ng mga pulis ang arrest warrant ngunit hindi ipinabasa sa kanya.

Ang iprinesenta aniya sa kanya ay alias warrant, na iniisyu ng korte kapag walang plea na inihain sa asunto.

“Hindi ako naka-attend ng hearing tapos biglang may warrant? Wala akong kamalay malay,” aniya.

‘’Walang ni isang nai-serve sa akin na notice. Walang notice of hearing, bigla akong nagkaroon ng warrant. Paano nangyari iyon?”

Pagkaraan aniya ay dumating ang 20 uniformed cops sa erya para arestuhin siya.

About Leonard Basilio

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *